pangarap
isang lawin
mahalin mo’t arugain
nasa iyong tabi
ngunit himpapawid pilit hahanapin
isang saranggola
kapag nabitawa’y tatangayin ng hangin
abot tanaw
ngunit hindi maaring kunin
isang bituin
batid kong hindi ko maaring angkinin
tititiga’t papangarapin
ngunit kailanma’y hindi magiging akin